Walang masama sa pangungutang ng bansa ng 888 billion pesos sa World Bank.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, normal sa isang bansa at maging sa negosyo na mangutang dahil patunay ito nang paglago ng ekonomiya at magandang credit standing.
Sinabi ni Andanar na ang mahalaga ay ang epekto nito sa gross domestic product na ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia ay napapanatili sa 6.4% hanggang 6.5%.
Habang patuloy aniya ang pagganda ng ekonomiya ng bansa ay mas tataas ang tiwala ng mga nagpapautang habang mas dadami ang trabaho para sa mamamayan.