Itinuturing nang krimen ang pag-uwi ng mga Australian citizens sa kanilang bansa, partikular ang galing India.
Ayon sa ulat, simula Mayo 3, bawal nang umuwi ang kanilang mga mamamayan o citizens na galing sa nasabing bansa kung saan maaaring pagmultahin o makulong ang sino mang lalabag sa kautusan.
Babala ni health Minister Greg Hunt, batay sa bagong rules ay mahaharap ang mga violator sa multang aabot sa 66,600 Australian dollars o 51,800 U.S. dollars at limang taong pagkakakulong.
Muli naman umanong pag-aaralan ng Australian government ang naturang restrictions sa Mayo 15.
Tinatayang 9,000 Australians na nasa India ang nais nang umuwi kung saan halos 700 sa mga ito ay itinuturing na “vulnerable” o lantad sa sakit.