Maaaring maantala ng isa o dalawang araw ang pagbalik sa bansa ng 40 hanggang 50 Pilipino na galing ng China.
Ipinabatid ito ni Health Secretary Francisco Duque III matapos i-anunsyo ng Malacañang na –sa Sabado, ika-8 ng Pebero na darating sa bansa ang unang batch ng mga Pilipinong inilikas mula sa China.
Ayon kay Duque, maraming proseso ang kailangang pagdaanan sa China para mapauwi ang mga Pilipino.