Kumikilos na ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) upang ayusin ang pag-uwi sa bansa ng labi ng dalawang Pinoy na nasawi matapos mabagsakan ng gumuhong tulay sa Yilan County, Taiwan.
Kasabay nito ay tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello na matatanggap ng pamilya nina Adree Abregana Serencio at Gorge Jagmis Impang ang nararapat na benepisyo para sa kanila.
Tinukoy ni Bello ang death benefits at scholarship para sa mga naulilang mga anak.
Samantala, patuloy naman ang paghahanap sa labi ng isa pang Pilipino na nawawala sa pagguho ng tulay.
Lahat naman ng Pilipinong nasugatan at nadala sa ospital ay nasa ligtas nang kalagayan. — ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)