Nakiusap ang mga senior citizens sa mga mambabatas na i-override ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukalang batas na magdaragdag ng P2,000 sa pension ng Social Security System.
Sinabi sa DWIZ ni Noli Villafuerte, Office of the Senior Citizens Consultant, na sana gampanan ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin para sa mga senior citizens.
Konting pabor lamang aniya ito ng mga senior citizens kayat sana huwag ipagkait sa kanila
“They can override the veto. Alang alang sa mga nakakatanda, mga congressman at mga senador, sana naman po gampanan natin, maawa naman kayo, tatanda rin kayo,” paliwanag ni Villafuerte.
By: Aileen Taliping (patrol 23)