Umapela ang Malacañang sa publiko na unawain ang konteksto sa ginawang pag-Veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa Comprehensive Nursing Bill
Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang ginawang hakbang ng Pangulo sa panukalang magtataas na sana sa sahod ng mga Government Nurses sa bansa
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi makatarungang itaas ang entry pay ng mga nurse sa Salary Grade 15 habang maiiwan naman ang maraming kapantay o kasing halagang posisyon niyon tulad ng mga guro
Kasunod nito, hindi nababahala ang Palasyo na maubos ang mga nurse sa bansa dahil sa in-demand ito sa ibayong dagat lalo na iyong mga may mga karanasan na
Nanindigan din ang Palasyo na natugunan na nila ang pagpapataas sa sahod ng mga government professionals tulad ng guro at nurse batay sa kanilang performance o maayos na pagta-trabaho
by: Jaymark Dagala