Nilinaw ngayon ng aktres na si Carla Abellana ang isyu sa pagwo-walk out umano ng kanyang rumored boyfirend na si Tom Rodriguez sa premiere night ng kanilang pelikula noong November 8.
Inamin naman ni Carla na nag-walk out nga si Tom pero ito ay dahil sa call of nature.
Kuwento ng aktres, noong araw na yun ay meron pa silang mall show bago ang premiere night at masama na raw ang pakiramdam ni Tom.
Kaya binigyan ito ng maraming pagkain para lumakas, pero matapos nito ay sumakit naman ang tiyan ng aktor na siyang dahilan kung bakit kinailangang umalis ni Tom.
Itinanggi rin ni Carla ang balitang nagtatampo si Tom sa Regal Films kaya ayaw nito gumawa ng pelikula.
Samantala, nang tanungin si Carla sa estado ng relasyon nila ni Tom, nananatiling dating pa rin ang kanyang sagot.
By Krista de Dios