Makakaapekto sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ginawang pagwi-withdraw ng certificate of candidacy ni PDP-Laban Presidential Candidate Martin Dinio.
Ito ang opinyon ni Atty. Larry Gadon dating legal consultant ni former President Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Gadon isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Dinio para gawing substitute si Davao City Mayor Digong Duterte dahil wala naman aniyang immediate substitution na nangyari ng i-withdraw ni Dinio ang kanyang kandidatura.
Malaking legal isyu aniya ang substitution ni Duterte dahil wala na siyang pwede pang i-substitute dahil hindi na existing ang COC ni Dinio.
“Ang isa pang malaking pagkakamali diyan ay yung winithdraw niya yung kanyang COC eh wala namang immediate substitution so as of now yung COC is no longer existing.” Pahayag ni Gadon.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas