Pinag-aaralan ng DOH kung uubrang pamalit ang Barictinib sa limitadong supply ng Tocilizumab para gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nakikipag-usap na sila sa distributor ng Baricitinib para madagdagan ang supply nito sa bansa.
Tulad ng Tocilizumab na isang anti inflammatory drug, ang Baricitinib ay ginagamit para gamutin ang Rheumatoid Arthritis.
Una nang pansamantalang itinigil ng National Kidney and Transplant Institute ang paggamit ng Tocilizumab maging ng Remdisivir sa COVID-19 patients maliban na lamang sa severe cases.