Isinusulong sa Kamara ang panukalang patuloy na alalahanin ang kabayanihan ng Filipino Olympians.
Sa pamamagitan ito ng House Bill 10096 na ini akda ni House Deputy Speaker Eric Martinez.
Nakasaad sa panukala na ipangalan kay Simeon Toribio, 1932 Olympic High Jump Bronze Medalist ang New Clark Athletics Stadium sa Capas, Tarlac kung saan isinusulong din ni Martinez na mapagtayuan ng isang museum.
Nais din ni Martinez na ipangalan kay Teofilo Yldefonso, Olympic Bronze Medalist sa 200 Meter Breaststroke noong 1928 at 1932.
Bukod pa ito sa pagpangalan sa hurdler na si Miguel White na nag uwi ng olympic medal sa track and field noong 1936 sa Berlin, sa Philippine Institute of Sports Football and Athletics Stadium na dating Ultra sa Pasig City.