Iginiit ng isang grupo ng Pinoy nurses sa gobyerno ang pagalis na o pag-lift ng deployment ban sa lahat ng health care workers.
Ayon kay Maristela Abenojar, pangulo ng Filipino Nurses United mayroon namang maiiwang sapat na bilang ng mga nurse sa bansa kahit pa alisin ng gobyerno deployment ban.
Bukod dito binigyang diin ni Abenojar ang karapatan ng mga nurses na maghanap ng mas malaking pasahod at magandang oportunidad sa ibang bansa para buhayin ang kanilang pamilya sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Abenojar na hindi kailangan at hindi makatuwiran ang 5,000 cap o bilang ng health care workers kabilang ang nurses na uubrang palabasin ng bansa sa gitna ng pandemya lalo pat kumpleto naman sa mga dokumento ang mga nasabing Pinoy health care workers.
Magugunitang itinaas pa ng IATF ang taunang cap sa P6, 500.