Tatanggalin na ng PAGASA ang pangalang “Jolina” sa listahan ng mga bagyo.
Ito’y makaraang mag-iwan ang nabanggit na bagyo ng malawak na pinsala sa imprastraktura at agrikultura.
Karaniwang tinatanggal ang pangalan ng bagyo sa sandaling umabot ang pinsala nito sa mahigit isang bilyong piso at tatlundaang buhay na nasawi.
Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa P1.5 bilyon ang pinsala ng bagyong Jolina buhat nitong Setyembre 22.
Binubuo ang listahan ng pagasa para sa pangalan ng bagyo ng apat na set ng 25 pangalan at may 10 auxillary o “reserved” names.—sa panulat ni Drew Nacino