Isang Low Pressure Area o LPA ang binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar.
Ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa mahigit tatlong daang (300) kilometro silangan ng bayan ng Guiuan.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na maliit ang tiyansang maging ganap na bagyo ang naturang LPA bagamat magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Mindanao.
Partikular na apektado ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa LPA ang Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao Region.
Samantala, nakakaapekto naman ang northeast monsoon sa Cagayan Valley Region, Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.