Walang pag-asang mag-landfall sa anumang bahagi ng bansa ang bagyong tatawaging ‘Jenny’ na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling-araw.
Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Manny Mendoza, maliit ang tiyansa na tumama sa kalupaan ang bagyo dahil lilihis ito sa kalupaan pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at dederetso patungong Japan.
Namataan ang bagyo sa layong 2,120 kilometro silangan ng hilagang Luzon at may lakas ng hanging 55 kilometro kada oras.
Bumagal ang pagkilos nito sa 15 kilometro kada oras kaya’t mamayang gabi o bukas ng madaling-araw posibleng pumasok ito sa PAR.
By Mariboy Ysibido