Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ayon sa datos ng PAGASA, huling namataan ang unang sama ng panahon sa northeast part ng Taiwan o 595 kilometro hilaga – hilagang silangan ng Basco Batanes.
Hindi naman inaasahang papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Habang huling namataan ang isa pang sama ng panahon sa layong 2,140 kilometro silangan ng Bicol Region.
Inaasahang papasok ito ng PAR sa martes bagama’t mababa ang tsansa nitong maging ganap na bagyo.
Posible din anila itong malusaw pagsapit sa hilagang bahagi ng Luzon.