Binabantayan ngayon ng Pagasa ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 525 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Kalapit din umano nito ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Maliit naman ang tyansa ng LPA na maging tropical cyclone, ngunit asahang magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Caraga, Eastern Visayas at Central Visayas.