Binalaan ng PAGASA ang publiko sa mga biglaang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Southern Tagalog at mga karatig lugar.
Dahil ito sa Low Pressure Area (LPA) na ayon sa PAGASA ay pinakahuling namataan sa layong 60 kilometro, kanluran ng Romblon.
Sinabi ng PAGASA na malabo pang lumakas at maging ganap na bagyo ang naturang LPA subalit magdadala pa rin ng ulan kahit malayo na rin ito sa Luzon landmass.