Umabot na sa naka-a-alarmang lebel ang matinding init na nararamdaman sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, naitala dakong alas 11:00 ng umaga kahapon sa San Jose, Occidental Mindoro ang 34.6 degrees celsius na aktuwal na temperatura o 44.3 degrees Celsius na heat index;
32.2 degrees Celsius o 43.4 degrees Celsius heat index sa Dauis, Bohol at 33.2 degrees Celsius o 43.2 degrees Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan, dakong alas 2:00 naman ng hapon.
Dahil dito, binalaan ng PAGASA ang publiko laban sa posibleng heat stroke at pinayuhang uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
Samantala, sa Metro Manila naman, naitala ang 36.8 degrees Celsius na heat index o actual temperatura na 30.6 degrees Celsius sa port area Maynila, dakong alas 11:00 rin ng umaga.