Pinayuhan ng isang grupo ang publiko lalo na ang mga mamimili para sa bagong taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) na dapat gumawa ng listahan ang mga mamimili upang mas makatipid at hindi basta-basta kumuha ng mga produkto.
Aniya, mayroon din silang listahan na pwedeng ipahiram sa mga customer kung saan nilalaman nito ang mga suggestion o tips na maaaring sundin ng mga konsyumer.
Pinaalalahanan naman ni Cua ang publiko na mayroon pa ring mabibili na mura sa mga supermarkets.