Nagdeklara na ang PAGASA ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, officer-in charge ng PAGASA, ang nararanasang kalat-kalat na thunderstorms, ang pagpasok ng Super Typhoon Betty at ang pag-iral ng Southwest monsoon o habagat sa nakalipas na araw ay nagdala ng pag-uulan sa western sections ng Luzon at Visayas.
Hudyat ito nang pagpasok ng rainy season o tag-ulan sa bansa partikular sa mga climate type 1 areas.
Posible rin anya na magkaroon ng monsoon breaks na maaring magtagal ng ilang araw. – sa panunulat ni Jenn Patrolla