Idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng southwest monsoon o Habagat.
Ito ayon kay PAGASA Administrator Dr. Vicente Manalo ay kasunod na rin nang paghina ng Habagat nitong mga nakalipas na araw.
Sinabi ng PAGASA na ang paglakas ng high pressure systems sa Asya ang dahilan nang pagbabago sa panahon.
Dahil dito asahan na sa mga susunod na araw ang Northeast Monsoon Season o Amihan.
Nilinaw ng PAGASA na ang klima ng bansa ay nasa transition process pa.