Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan.
Ayon sa PAGASA, asahan na ang madalas na kalat-kalat na mga tag-ulan sa panahong ito .
Ang mga naranasan anilang pag-ulan sa mga nakaraang araw ay bunga ng Southwest Monsoon at Low Pressure Area na kalaunan ay naging bagyong butchoy.
Gayunman, sinabi ni PAGASA na asahan pa rin ang monsoon breaks o dry period kahit pa panahon na ng tag-ulan.