Naglabas ng abiso ang mga kinauukulan, ilang oras bago ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.
Ito ang iginiit ng PAGASA Hydrology Division, kung saan nag-iikot anila ang awtoridad sa mga posibleng maapektuhang lugar para maiparating ang abiso sa lahat.
Maliban pa rito, sinabi ng pagasa hydology division na kanila ring ipipaskil o inilalathala sa kanilang website at social media accounts tulad ng Facebook at Twitter.
Batay rin sa Facebook page ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MRRIS), nagpost sila ng abiso sa posibleng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam noong Nobyembre 9.
Kalakip din sa post ang kanilang ipinadalang liham sa ilang mga kinauulang opisyal tulad ni Cagayan Governor Manuel Mamba, Isabela Governor Rodolfo Albano III at Office of Civil Defense Region 2 Action Director Harold Cabreros.
Gayundin, sa Tuguegarao City Disaster Risk Reduction and Management Office at PAGASA – Tuguegarao.
Binanggit din ng NIA-MRRIS na naglagay sila ng flood warning stations malapit sa dam para magbigay ng babala sa mga residente.