Magsasagawa ng mabilisang imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee sa di umano’y kabiguan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magbigay ng tamang babala sa dami ng ulan na bubuhos sa Cagayan de Oro at iba pang lugar sa Mindanao.
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng komite, aalamin lamang nila kung bakit tila kinapos sa pagbibigay ng babala ang PAGASA at kung anong tulong ang kailangan ng ahensya para maiayos kung mayroon mang problema.
Una rito, bagamat nagbabala ng malakas na pag-ulan ang PAGASA sa Cagayan de Oro City, nabigo naman itong ipagbigay-alam ang dami ng ulan na puwedeng bumuhos sa syudad.
Sinasabing katumbas ng isang buwang pag-ulan ang bumuhos sa Cagayan de Oro City sa loob lamang ng anim hanggang pitong oras.
Bahagi ng pahayag ni Senador Richard Gordon
By Len Aguirre | Credit to: Karambola (Interview)