Dalawa hanggang tatlong tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Setyembre.
Ayon sa PAGASA, ito na ang inaasahang magiging trend hanggang Nobyembre habang isa hanggang dalawang tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Disyembre.
Malaki ang tyansa ng pagtama sa kalupaan ng mga bagyong papasok sa Nobyembre at Disyembre.
Inaasahan namang magsisimula ang La Niña sa Oktubre pero posibleng hindi naman ito magtutuloy-tuloy.