Lumagpas na sa inaasahang monthly average rainfall sa buwan ng Agosto ang tubig ulan na bumuhos sa Quezon City sa nakalipas lamang na labing dalawang araw.
Ayon sa PAGASA, naitala sa kanilang science garden station ang aabot sa 538 point 4 millimeters na tubig ulan o katumbas na ng 106 point 78 percent.
Mas mataas ito sa inaasahang monthly average rainfall na 504 point 2 millimeters para sa Agosto.
Pinakamataas naman ang naitalang buhos ng ulan sa Baguio City na aabot sa 714 point 6 millimeters.
Pumapangalawa ang Subic Bay na may 544 point seven millimeters at sinundan ng Quezon City.