Tuloy na ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo duteRte sa Pagasa Island sa Spratlys ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang ginawang pagbisita ng Pangulo sa Benham o Philippine Rise kamakailan.
Ayon kay Lorenzana, ipinagpaliban lamang ito ni Pangulong Duterte para mapanatili ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ang Pagasa Island ang pinakamalaki sa siyam na Philippine military outposts sa kontrobersyal na rehiyon at may layo lamang na 12-nautical miles sa itinayong isla ng China sa Zamora Reef.
—-