Kinampihan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang desisyon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na huwag mag suspindi ng klase nuong kahapon sa kabila ng walang tigil na pag ulan.
Kasunod na rin ito inabot na batikos ni Belmonte sa hindi pag kansela ng klase kahapon.
Ayon kay Dr. Vicente Manalo, administrator ng PAGASA, tama lamang ang desisyon ni Belmonte dahil masyado aniyang malawak ang Quezon City para maapektuhan ng husto ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng lungsod.
Bukod dito, sinabi ni Manalo na hindi rin dapat mauso ang pagdedeklara ng walang klase dahil naka-depende ito sa lugar.
Kasabay nito, pinayuhan ng PAGASA ang mga magulang na sila na ang mag desisyon kung papasukin ang kanilang mga anak kapag may sama ng panahon.
- Judith Estarada – Larino