Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas pa rin naman ng malamig na panahon ang Pilipinas ngayong ber months kahit na patuloy na umiiral ang El Niño.
Pero, ipinaliwanag ni PAGASA Weather Forecaster Manny Mendoza na hindi nga lang ito kasing lamig na ating naranasan nitong mga nakalipas na panahon.
Sinabi ni Mendoza na mainit ang hanging umiihip mula sa Dagat Pasipiko na siyang nararansan natin ngayon.
“Syempre kapag malakas ang buhos ng northeast na hangin patungo sa Pilipinas, makakaranas pa rin po tayo ng lamig ng panahon, kapag ang hangin ay galing sa Pacific Ocean at ang ibig ko pong sabihin ay weather system na most of the time ay galing sa Dagat Pasipiko ay mainit po an gating panahon.” Pahayag ni Mendoza.
By Ralph Obina | Ratsada Balita