Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 2,195 kilometro silangan ng Visayas.
Bagama’t maliit lang ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA, sinabi ng PAGASA na maaaring pumasok ito sa PAR, Lunes ng gabi.
Gayunman, kahit pa nasa labas ng PAR ang nasabing LPA, magdadala pa rin ito ng maulap na papawirin na siyang magdudulot naman ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Asahan na rin ayon sa weather bureau na palalakasin nito ang hanging habagat na siya ring magpapaulan sa hilaga at gitnang bahagi ng Luzon.