Matapos lumabas ng bagyong perla sa Philippine Area of Responsibility (PAR), mayroon na namang bagong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA.
Ayon sa weather bureau, ang bagong sama ng panahon na binabantayan sa labas ng PAR ay may international name na ‘Bualoi’.
Maliit aniya ang tyansa na pumasok ito sa PAR.
Huli itong namataan mahigit 2,000 kilometro sa Silangang bahagi ng Visayas.
May taglay itong hangin na may lakas na 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.
Patuloy ang pagkilos nito pa hilagang kanluran na may bilis na 20 kilometro kada oras.