Hindi na lalayasan ng mga weatherman ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at magkakaroon na rin ng pambili ng mga bagong kagamitan.
Ito ayon kay Senate Committee on Science and Technology Chair Ralph Recto ang pangako ng PAGASA Modernization Bill na lusot na sa committee level at naisumite na sa plenaryo ng senado.
Nakasaad sa panukala ang pagbibigay sa PAGASA ng 3.9 billion pesos para ipambili din ng dappler radar at iba pang kagamitan gayundin ang pagpapatayo ng field offices ng PAGASA sa buong bansa.
P45 million pesos din ang ibibigay pa sa PAGASA bilang pandagdag sa suweldo ng weather specialists bukod pa P70 million pesos na pondo para sa kanilang training.
Kukunin ang mga naturang pondo sa share ng national government sa net income ng PAGCOR na umaabot sa P14 billion pesos noong isang taon.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)