Muling nakapagtala ng mataas na heat index ang PAGASA.
Batay sa datos na inilabas ng PAGASA nitong Biyernes, naitala ang 49 °C na heat index sa Dagupan City sa Pangasinan dakong alas-2 ng hapon.
Habang naitala naman ang 48 °C na heat index sa sangley point sa Cavite at ibang pang matataas na heat index o ‘yung init factor na nararanasan ng isang inbidwal.
Paliwanag ng Weather Bureau, ang mataas na heat index o naglalaro sa 41 °C PAGASA muling nakapagtala ng mataas na heat index hanggang 54 °C ay lubhang mapanganib at maaaring makapagdulot ng heat cramps at heat exhaustion.
Kung kaya’t paalala ng pagasa sa publiko na ugaliin ang pag-inom ng tubig o panatiling hydrated and ating mga sarili para makaiwas sa banta ng anumang kumplikasyon bunsod ng sobrang init ng panahon.