Nag-isyu ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng flood alert sa ilang lugar sa Luzon at Visayas dahil sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, kabilang sa posibleng bahain at makaranas ng pagguho ng lupa ang Metro Manila; CALABARZON kabilang na ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon Province; MIMAROPA o ang Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Palawan.
Posible ding bahain ang bahagi ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan bunsod ng malalakas na pag-ulan dahil sa Hanging Habagat
Asahan naman ang kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Bicol, Samar Provinces, Aklan, Antique at nalalabing bahagi ng Central Luzon habang makakaranas ng isolated rainshowers ang nalalabing bahagi ng bansa dahil parin sa habagat at localized thunderstorms.