Ibinabala ng Philippine Atmopheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang posibleng pagtama ng malalakas na bagyon ngayong taon dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring Chief Analiza Solis, bagaman maaaring mabawasan ang bilang ng mga bagyo, posible namang mas maging malakas ang mga ito ngayong taon.
Sakali aniyang mamuo ang mga bagyo ay matagal mamamalagi ang mga ito sa karagatan kaya’t pagpasok ng bansa ay mas lalakas pa ito.
Sa ngayon ay limang lalawigan na ang nakararanas ng tagtuyot, ang mga ito ay ang Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Sulu.
—-