Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad na mas malalakas na bagyo ang pumasok sa bansa ngayong taon bunsod ng nararanasang el niño.
Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, kadalasan kasing mas malalakas ang mga bagyo tuwing may el niño sa bansa.
Sa kanila rin aniya pagtaya, posibleng makaranas muli ang bansa ng bagyong nagtataglay ng lakas ng ulan ng tulad ng Bagyong Ondoy na nagpalubog sa Metro Manila at karatig lalawigan noong 2009.
Samantala, sinabi ni Malano na mananatiling normal ang bilang ng mga bagyong papasok sa bansa kung saan umaabot ito sa 19 hanggang 20.