Naglabas na ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lugar sa bansa.
Ito’y dahil sa ulang dala ng habagat.
Kaninang 8:30AM nang itaas ng PAGASA ang yellow warning sa mga lugar ng Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon kabilang na ang General Nakar, Infanta, Real at Mauban.
Posible naman ang pagbaha sa mga naturang lugar lalo na sa mga flood-prone areas.
Samantala, asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Batangas na posibleng tumagal ng hanggang tatlong oras.
Pinapayuhan naman ang publiko maging ang Disaster Risk Reduction and Management Offices na i-monitor ang lagay ng panahon at ang susunod na abiso ng PAGASA mamayang 11:00AM.