Minomonitor na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang namumuong La Niña sa Central Equatorial Pacific.
Ayon sa PAGASA, mahina lamang ang namumuong La Niña subalit maaari pa rin itong magdala ng mas malakas sa normal na mga pag ulan ngayong Disyembre.
Gayunman, sa kabila ng posibilidad na magkaroon ng La Niña, makakaranas pa rin umano ng mataas na temperatura o mainit na panahon ang mga nasa mababang lugar tulad ng Central Luzon.
Samantala, patuloy pa rin na makaapekto ang dalawang weather system sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, lumakas pa ang pag-iral ng amihan at tail-end of a cold front sa Northern at Central Luzon.
Dahil sa amihan ay makararanas ng mahihinang pag-ulan ngayong araw ang Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera Region kabilang na ang nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Lalakas pa ito hanggang bukas at mararamdaman ito sa Metro Manila.
Samantala, maapektuhan naman ng tail-end of a cold front ang Aurora, Marinduque, CALABARZON, Bicol Region at Eastern Visayas.
—-