Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng pagtindi pa ng nararanasang El Niño bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2016.
Dahil dito, isinusulong ng Department of Agriculture (DA) na matugunan ang naturang problema sa pamamagitan ng pagbuo ng komite na tatalakay tututok sa problema sa El Niño.
Batay sa datos ng DA, mula Setyembre ng 2014 hanggang Agosto ng taong ito, papalo na sa 100,000 ektarya ng lupain ang naapektuhan ng El Niño.
Binigyang diin ng Bureau of Soils and Water Management na ang El Niño ay di lamang nakakaapekto sa agrikultura kundi maging sa lipunan at ekonomiya.
By Ralph Obina