Nilinaw ng Pagasa Weather Bureau na hindi buhawi ang namataan sa Maynila kundi isang downburst o yung hangin na nagmumula sa thunderstorm clouds.
Matatandaang nagdulot ng pinsala sa ilang lugar sa Maynila ang malalakas na hangin kung saan, tinangay ang ilang mga puno at mga plastic barriers sa kalsada.
Ayon sa Pagasa, sa loob ng ulap ay may hangin na kumikilos pataas at pababa kung saan, sakaling magsimula nang bumuhos ang ulan karaniwan nagiging dominant o nagiging mas malakas ang hangin pababa o papunta sa kalupaan.
Sinabi ng pagasa na manatiling maging alerto sa posibleng panganib na dala ng thunderstorm matapos umabot sa mahigit 100 kilometers per hour ang lakas ng hangin o katumbas ng signal number 3 na bagyo.