Nilinaw ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administrationna hindi pa opisyal na idinedeklara ang panahon ng tag-init.
Paliwanag ni Weather Forecaster Lorie Dela Cruz, natapos na ang hanging amihan dulot ng mga pagbabago sa presyon at hangin.
Dahil dito, patungo na, aniya, sa tag-init ang magiging panahon sa mga susunod na araw.
By Avee Devierte |Balita Na Serbisyo Pa Program (Interview)