Kumalat pa ang epekto ng butas na bubong ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, at naapektuhan na din ang tanggapan ng PAGASA sa ika-apat na palapag ng Terminal.
Batay sa source ng DWIZ, gumapang na ang tubig at nadamay na ang tanggapan ng PAGASA, na nasa ika-4 na palapag.
Kabilang sa mga sinasabing nabasa ay ang ilang computer units at mga dokumento.
Nadamay na din sa pagtagas ng tubig ay tanggapan ng Airport Press Club.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)