Hindi pa pumapasok ang panahon ng tag-init.
Ayon ito sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bagamat nararanasan na ang mainit na panahon dahil sa easterlies o hanging mula sa Pacific Ocean na nagdadala ng mainit na hangin.
Sa katunayan, ipinabatid ng PAGASA na pumalo sa 34.7 degrees celsius ang pinakamainit na temperatura noong araw ng linggo at ito ay kadalasang nararamdaman sa buwan ng Abril o Mayo.
Sinabi pa ng PAGASA na inoobserbahan pa nila ang weather system na magkukumpirma kung simula na nga ng summer season.
Kabilang dito ay kung hindi na babalik ang amihan sa mga susunod na araw o may high pressure area na siyang magtutulak ng easterlies sa bansa.
By Judith Larino