Posibleng iisang bagyo lamang ang pumasok sa bansa, ngayong Pebrero.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil maliban sa umiiral ang El Niño, bihira lamang din mayroong nabubuong bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), kapag Pebrero.
Taong 2013, nang huling mayroong pumasok na bagyo sa bansa, sa buwan ng Pebrero, at ito ay ang bagyong Crising, na nag-landfall sa Davao del Sur.