Posibleng sa huling linggo ng Marso opisyal nang ideklara ng PAGASA ang dry season o panahon ng tag-init.
Ayon sa PAGASA hindi pa kasi ngayon tuluyang nawawala ang northeast monsoon o ang nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
Gayunman unti-unti na rin umanong nararamdaman ang mainit na panahon dahil sa karaniwang nararanasan ang mainit na temperatura simula abril.
Noong nakaraang taon, Marso 22 nang pormal na ideklara ng PAGASA ang dry season.