Opisyal nang natapos ang panahon ng tag-init at nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.
Ito ang inanunsyo ngayon ng PAGASA.
Ayon kay PAGASA acting deputy administrator for operations and services Landrico Dalida Jr., asahan na ang mas maraming pag-ulan sa mga susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Dahil dito, pinaghahanda na ng PAGASA ang publiko sa mga posibleng epekto ng mga pag-uulang mararanasan.
Sa katunayan, itinaas ngayong araw ang yellow alert status sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan habang ilang lugar naman sa Metro Manila ang nakaranas na ng mga pagbaha.
By: Ralph Obina