Tiniyak ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maayos ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Nobyembre 27.
Batay sa kanilang ulat kahapon, makararanas lamang ng maulap na kalangitan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may tyansa ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, ang maaliwalas na panahon ay bunsod ng manipis na kaulapan.
Wala ring nakataas na Gale warning ngayong araw at walang nakikitang senyales ng bagyo sa susunod na 3 hanggang 5 araw sa bansa. - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan