Umapela ang PAGASA sa publiko na paghandaan ang Bagyong Nina.
Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, Chief ng PAGASA weather services, mas mainam kung mag-iingat dahil mayroon tayong inaasahang masamang panahon.
Sinabi ni Cayanan na inaasahang magla-landfall ang Bagyong Nina sa araw mismo ng Pasko, sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, sa Catanduanes.
Asahan na rin aniya ang pag-ulan sa Bicol at Samar area, linggo ng tanghali.
By: Meann Tanbio