Umiiral ang ridge ng high pressure area (HPA) sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon ito sa PAGASA kayat halos magiging maganda ang lagay ng panahon sa buong bansa bagamat inaasahan ang isolated rainshowers sa silangang bahagi ng Luzon sa susunod na 24 oras.
Ipinabatid pa ng pagasa na posibleng umabot sa 34°C ang pinakamainit na temperatura sa Tuguegarao, Metro Manila at Puerto Princesa.
Magiging mainit at maalinsangan din ang panahon sa visayas at mindanao maliban lamang sa thunderstorms sa silangang bahagi ng dalawang rehiyon.
Wala namang namo monitor ang pagasa na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.