Patuloy na lumalayo ng ating bansa si Bagyong Neneng na huling namataan sa layong 495 kilometers kanlurang bahagi ng Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, asahan ang mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao bunsod ng hangin na nagmumula sa timog kanluran ng bansa kaya’t asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat partikular na sa buong bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Makararanas din ng mga pag-ulan sa lalawigan ng Palawan, at Occidental Mindoro, kaya’t paalala sa ating mga kababayan na panatilihing maging alerto sa biglaang pagbuhos ng ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.
Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA at malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:47 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:34 ng hapon.